(YEAR END REPORT) HELLO 2021, GOODBYE 2020

(last part)
Sa kabila ng lahat ng kaguluhan, noong Hulyo 27, isinagawa ni Presidente Rodrigo Duterte ang ikalima niyang State of the Nation Address (SONA). Habang nagaganap ang SONA, binaril at napatay sa Quezon City si Dr. Roland Cortez, chief ng National Center for Mental Health (NCMH), na binabatikos dahil sa umano’y hindi matugunang mga kaso ng C19 noong Abril.

Matapos naman ang siyam na taong pagtatago ni dating Dinagat Islands congressman Ruben Ecleo Jr. na inakusahang pumatay sa kanyang asawang si Alona Bacolod-Ecleo noong 2002, naaresto rin siya sa San Fernando, Pampanga noong Hulyo 30: Kinasuhan din siya sa tatlong maanomalyang construction projects na ginawa sa pagitan ng 1991 hanggang 1994, sa panahon ng kanyang termino bilang mayor ng San Jose, Dinagat Islands.

Napakadugo ng nasabing araw dahil binarily at napatay ng araw ding iyon sa Mandaluyong City si Wesley Barayuga, board secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Agosto, sinimulan ng Senate Committee of the Whole ang pagdinig sa umano’y mga iregularidad at kontrobersiya ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Itinalaga naman ni Duterte si dating NBI chief Dante Gierran noong August 31, na bagong pinuno ng PhilHealth.

Nakiisa rin ang kalikasan nang yumanig ang 6.6–magnitude earthquake sa isla ng Masbate noong Agosto 23, na nag-iwan ng isang patay at 43 sugatan. Sinabayan pa ito kinabukasan, Agosto 24, ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kung saan 15 ang namatay at 75 iba pa ang sugatan.

Setyembre 3, sinabuyan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng putting buhangin ang baywalk ng Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitation program, na umabot sa ₱389-million beautification project. Umani ito ng pagbatikos.

Pinagkalooban ni Pangulong Duterte ng absolute pardon si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton noong Setyembre 7. Convicted si Pemberton sa pagpatay sa transgender Filipino woman na si Jennifer Laude noong 2014. Ipinadepo ng Bureau of Immigration si Pemberton.

Idineklara ng Department of Agriculture (DA) noong Setyembre 8 ang Davao City na Cacao Capital of the Philippines.

Setyembre 11, pinirmahan ni President Duterte ang Bayanihan to Recover as One Act (Republic Act No. 11494), na nagtalaga ng ₱165.5 billion para sa COVID-19 relief package.

Nagdesisyon si President Duterte na tuloy lang ang polisiyang 1-meter distance sa pagitan ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan dahil sa COVID.

Nag-utos naman ang Sandiganbayan na ipatupad ang kanilang desisyon noong December 2019 na ipabalik sa mga dating kasangga ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang kanilang shares sa Eastern Telecommunications Philippines, Inc. (ETPI). Gobyerno na ang magmamay-ari nito.

Tinanggal ng Facebook noong September 23 ang napakaraming fake accounts at pahina na may kinalaman sa military at pulisya dahil sa coordinated inauthentic behavior (CIB).

Pinili ni Pope Francis si Archbishop Charles John Brown noong September 28, na maging susunod na apostolic nuncio sa Pilipinas.

Ibinasura ng House of Representatives ang pagbibitiw ni House Speaker Alan Peter Cayetano, kaugnay ng term-sharing agreement kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Hiniling ng Supreme Court, na tumatayong Presidential Electoral Tribunal, sa Commission on Elections at sa Office of the Solicitor General, na magbigay ng komento sa nakabinbing isyu sa election protest na isinumite ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa wakas, nagsimula na rin ang online class sa public schools ng Oktubre 5.
Oktubre 12–13, nagkaroon ng krisis sa leadership ng Kamara nang kumilos si Rep. Lord Allan Jay Velasco para mapatalsik si Rep. Alan Peter Cayetano. Nahati ang mga mambabatas sa kakampihan. Nagkagulo sila sa pag-uusap hinggil sa Speakership sa labas ng Session Hall ng Batasang Pambansa Complex. Idineklara ni Cayetano na illegal ang pag-upo ni Velasco at sinabing siya ang tunay na Speaker. Natapos lamang ang alitan nang magbitiw si Cayetano.

Nagsimula ang Philippine Statistics Authority sa pre-registration ng national identification (ID) system, na may target na 10 million mairerehistro.

Nakatanggap naman ng napakaraming pagbatikos noong October 22 si Southern Luzon Command (Solcom) chief Lieutenant General Antonio Parlade Jr., matapos niyang balaan ang aktres na sina Liza Soberano, Angel Locsin at Miss Universe 2018 Catriona Gray. Pinagbibitiw niya ang tatlong babae sa kanilang suporta sa progressive groups na ayon sa military ay front organization ng mga rebeldeng komunista.

Tinapos ang buwan ng Oktubre sa pag-landfall ng bagyong Rolly sa Catanduanes, isa sa pinakamalakas na bagyong naranasan ng bansa.

Naranasan din ang malawak na pagbaha sa Metro Manila partikular sa Marikina at mga lalawigan ng Cagayan at Isabela nang humagupit ang bagyong Ulysses. Dito muling nasubukan ang bayanihan ng mga Pinoy sa pagtulong sa mga sinalanta.

Ipinagtanggol ni Health secretary Francisco Duque ang kanyang sarili matapos mag-tweet si Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang bakunang inialaok sa kanya, kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez, at US Secretary of State Mike Pompeo ay dapat sanang 10 million doses ng bakuna na darating sana sa Enero 2021 “but that somebody dropped the ball.” Hindi pinangalanan ni Locsin kung sino ang taong kanyang binabanggit ngunit maraming nakaalam na si Duque ito.

Pinakiusapan ni Pacquiao na si Duque na magbitiw, ngunit nanatili ang tiwala rito ni Pangulong Duterte.

Naging trending naman sa social media ang naganap na pagpatay ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya Gregorio, 52, at anak na si Frank, 25, ilang araw bago ang Pasko dahil sa away sa right of way. Nai-video ang pamamaril na nag-viral sa social media na binigyan ng title ng mga netizens na #StopTheKillingsPH and #JusticeForSonyaGregorio. Kinumpirma ng Paniqui police na totoo ang laman ng nasabing video

Araw ng Pasko, Disyembre 25, pormal na tinawag na mga terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

Sa pagwawakas ng ating yearender,Disyembre 30, tinawag si Manny Pacquiao na Greatest Boxer of the 21st Century, na ikinalamang niya nang todo sa nakalabang si Floyd Mayweather Jr.
NENET L.
VILLAFANIA

Comments are closed.