DREAM ng Pinoy pop rock singer na si Yeng Constantino ang makapag-cross over from singing to acting.
Sa aspetong ito, gusto niyang tularan ang yapak nina Regine Velasquez at Nora Aunor.
Kaya naman, itinuturing niyang mapalad ang sarili dahil napatunayan niya na hindi lang pala siya pang-concert kundi puwedeng pampelikula rin.
Nakapagbida na siya noon sa pelikulang “Shift” na naging kalahok sa Cinemaone Originals Filmfest taong 2013, kung saan nakatambal niya si Felix Roco.
Hinangaan siya sa nasabing debut film niya na pinuri ng mga kritiko kung saan kahit baguhan ay napatunayan niyang may ibubuga rin pala siya sa pag-arte.
Ang naturang pelikula ay nagwagi rin ng Grand Prix award para sa director nitong si Siege Ledesma sa Osaka Asian Film Festival sa Japan noong 2014.
Ngayong taong ito, balik-acting si Yeng sa pelikulang “The Eternity Between Seconds” ni Alec Figuracion na kalahok sa 2018 Cine Filipino filmfest.
Kuwento ito ng isang Pinay nurse at isang book author na nagkaroon ng koneksyon sa Incheon airport sa Korea habang pinalilipas nila ang kanilang oras. Kabituin niya rito si TJ Trinidad.
Aminado naman si Yeng na na-miss niya ang akting.
Isa raw sa konsiderasyon na tinanggap niya ang role sa nabanggit ng pelikula ay ang hatak nito sa mga millennial.
Kung sa “Shift” ay maraming call center agents at members ng millennial generation ang naka-relate, sigurado raw siyang ganoon din sa “The Eternity Between Seconds”, na kakaiba ang kuwento.
First time ni Yeng na makatrabaho si TJ Trinidad at marami raw siyang natutunan sa actor pagdating sa acting.
Bihasa na raw kasi si TJ dahil nakakapag-crossover ito sa teatro, pelikula at teleserye.
Tungkol naman sa pagkakatanggal ni KZ Tandingan sa “Singer 2018”, isang reality singing competition, isa si Yeng sa mga nalulungkot.
Naniniwala kasi siya sa potensyal ni KZ bilang singer na kasama rin niya sa kuwadra ng Cornerstone Entertainment.
Happy din si Yeng para sa kanyang kaibigang si Rachel Ann Go na tulad niya ay lumagay na sa tahimik.
May panghihinayang man na hindi siya nakadalo sa kasal ng kaibigan, naiintindihan daw naman nito na inatake siya ng kanyang scoliosis kaya ‘no show’ sa nasabing ganap ng singer na ngayon ay kasal na kay Martin Spies.
Nag-enjoy din si Yeng sa naging bakasyon niya sa Siem Reap sa Cambodia kung saan kasama niya ang kanyang husband na si Victor Asuncion kung saan ‘eat, pray and love’ ang kanilang drama.
Comments are closed.