MANGIYAK-NGIYAK sa sama ng loob si Yorme, Manila Mayor Isko Moreno, sa isang video niya na lumabas na naghahanap siya kung nasaan na ang ibang senador at mga congressmen na parang nawawala na raw at iniaasa na lamang sa mga LGUs (local government units) ang pag-aasikaso sa kanilang constituents. Nasa panahon daw tayo ng krisis kaya dapat ay magtulungang lahat. Nananawagan daw siya hindi bilang mayor ng capital ng Pilipinas, kundi isang mamamayan na nakikita ang paghihirap ng mga tao.
Hinamon niya ang mga senador at congressmen na i-donate nila ang kanilang buwanang suweldo at huwag umasa lamang sa puwedeng ibigay ng gobyerno.
Tama na raw ang sisihan at kontrahan, magtulungan na lamang tayong lahat.
Samantala, ngayong gabi, April 5, ay mapapanood si Yorme, sa “Amazing Earth” hosted by Dingdong Dantes. Pag-uusapan nila ang mga panukalang clean-up drive sa Maynila na nakikita na ngayon sa Divisoria at Carriedo na patuloy nilang ipinatutupad ang programa. Isa rin sa accomplishment na nagawa nila ay ang restoration ng Jones Bridge na matagal ding naisara.
Mapapanood sina Yorme at Dingdong, pagkatapos ng “24 Oras Weekend.”
‘JESUS: HIS LIFE’ NGAYONG GOOD FRIDAY SA GMA
MAGSISIMULA na ngayong Palm Sunday ang Holy Week, kaya expected na nating mababago na ang programming sa TV, isa rito ay pagtalakay sa buhay ni Jesus Christ. Mapapanood sa GMA Network ang “Jesus: His Life” at isa si Martin del Rosario sa nagkaroon ng ibang experience nang i-dub niya ang character ni Judas Iscariot, ang disciple ni Jesus na nagtraydor sa kanya kapalit ang 30 pirasong ginto.
“Makulay ang buhay ni Judas kaya hindi madaling umarte na gamit ko lamang ang boses ko at sinusundan ko ang facial expressions ng actor na pinapanood ko sa screen,” sabi ni Martin. “Ibang experience na kahit gusto kong umarte sa mukha, ang hirap kasi nagbabasa ako ng lines at iyong boses ko lamang ang umaarte. But it’s another acting experience at nagpapasalamat ako sa GMA na binigyan ako ng ganitong chance.”
Sa Good Friday, April 10, at 5:00PM mapapanood ang “Jesus: His Life.”
ROM-COM NI BARBIE FORTEZA IBINALIK SA ERE
WISH granted sa mga fans ng romantic-comedy series na “Meant To Be” na nagtatampok kay Barbie Forteza, kasama ang four leading men niya, sina Ken Chan, Ivan Dorshner, Addy Raj at Jak Roberto. Matatandaan na sa seryeng ito nagkalapit nang husto sina Barbie at Jak, at ngayon ay open sila sa kanilang relasyon.
Bukas na, Holy Monday, April 6, mapapanood ang serye pagkatapos ng “Kambal, Karibal” sa GMA Telebabad. Kaya ang Holy Monday programming ng GMA Telebabad after ng “24 Oras,” ay “Encantadia,” “Kambal, Karibal,” “Meant To Be,” “My Husband’s Lover” at “The Last Empress.”
Comments are closed.