YOUNG JV AMINADONG ‘DI NA MABUBURA ANG MASAMANG KARANASAN KAYA MOVE ON NA LANG

julie bonifacio

INAMIN ng aktor at urban pop artist na si Young JV na kinabahan siya sa kanyang grand launch as the newest brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products. Maguumpisa siya ng campaign for Megasoft on May 17 sa Gaisano Grand Antique.

Kabado raw siya most especially sa members of the media na syempre knows ang kinasangkutan niya na video scandal noon.

“Everybody is responsible for their own mistakes. Kaya malaki po ‘yung pagpapasalamat ko because si

Ms. Aileen (Choi-Go, Megasoft VP for sales and marketing)  may trust pa rin sila sa akin at nakikita nila ang capability ko bilang isang artista and performer na mabibigay ko sa Megasoft  company,” lahad ni Young JV.

Inamin ni Young JV na hindi pa niya nabura ang video niya sa social media.

“Uhm, hindi ko po ma-control, e. Kahit gusto ko nating mangyari ‘yun o burahin ‘yung video hindi po mangyayari.  But it’s all over the place. Sa ngayon, oo, parang sabi ko, bahala na kayo d’yan. Ako, move on na rin. Let the past, be past.”

At first daw hindi niya alam kung paano i-handle ang sitwasyon.

“Alam mo ‘yung gusto ko’ng maglagay ng paper bag sa ulo ko and everything. But sabi ko, you know, may mistakes talaga ako I cannot deny.  If I deny it more mas pangit pa sa akin. So, I took, pinagsabihan ko na lang I owe up to it po. Everyone makes mistakes at lahat po tayo  pwedeng umahon sa ganyang sitwasyon.”

May mga artista na nasangkot na rin sa mga video scandal at sinabi na dumami ang indecent proposals.

“Oh, my Lord!  To be honest wala ako’ng indecent proposal, huh, for some reason. Compliments. Ang dami ko’ng compliments. Like, ‘Hey, ano, huh? ang ano, ha?”

Kamag-anak ni Young JV ang kilalang abogado na si Atty. Lorna Kapunan. Lahat daw ng options nila legally ay inisip at ginawa during the height ng video scandal issue sa kanya.

“We did po lahat ng kailangan  i-imadyin. Ginawa po namin lahat. Wala, e. It’s hard. Hindi mo moko-control talaga, e.  Lahat halos ginawa na namin.”

So far, wala pa naman daw nag-aalok sa kanya for a sexy role sa pelikula.

“Pero mga movies na aabangan sa akin, hindi naman. topless siguro pwede pero hindi naman siguro ‘yung  mga what-the-hell scenes.”

Sa ngayon, excited na si Young JV sa magaganap na tour niya for Megasoft.  Ready na rin siya sa kung ano ang plano niyang sabihin sa mga batang makakaharap niya during his school tour.

“Ah, stay school. And always have fun in school and more importantly, love your parents.  Kasi po I was raise to love my parents and obey especially po ‘yung mga nanay natin.”

Ayon naman kay Ms. Aileen, walang nagaganap na competition among their ambassadors sa Megasoft lalo na sa  pagdating ni Young JV.

“Lahat naman sila talagang pantay-pantay. So, gusto rin namin, bago rin  kami magkaroon ng endorser ‘yung product namin nandoon na sa mag tindahan. So, parang sila ‘yung tumutulong sa amin to push our product. Sobrang effective kaya talagang pinagaaralan namin lahat ng mga endorsers namin.”

Tungkol sa video scandal ni Young JV,  hindi raw nila tiningnan ‘yun para ‘di kunin si Young JV.

“Ah, no, kasi syempre lahat naman ng artista merong positive, merong negative. Pero kasi ang nakita namin sa kanya mas malaki ‘yung positive niya. So, let’s dwell on the positive.”

After May 17, pupunta naman sa Butuan City on June 14 si Young JV para sa Megasoft and rthen on July 16 sa Ororama Carmen, Cagayan de Oro City.

Comments are closed.