IBINIGAY ni Carlos Yulo ang unang medalya ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics — ang makasaysayang gold sa floor exercise sa men’s artistic gymnastics.
Ang 24-anyos na gymnastics ace ay nakalikom ng stunning 15.00 sa kanyang near-perfect routine — 6.600 mula sa difficulty at 8.400 sa execution upang mangibabaw sa finals Sabado ng gabi sa Bercy Arena at iuwi ang unang medalya ng bansa sa Games.
Si Yulo ay naging kauna-unahang Filipino gymnast na umabot sa podium sa anumang edisyon ng Summer Games,
Ito ang ikalawang gold medal ng Pilipinas sa Olympics, matapos ang tagumpay sa weightlifting ni Hidilyn Diaz sa Tokyo noong 2021.
Si Yulo ay may isa pang event — ang vault final — na gaganapin Linggo ng gabi sa parehong venue.
Umabante si Yulo sa finals ng all-around, floor exercise at vault, at sa huli ay tumapos sa 12th sa individual all-around noong nakaraang Huwebes.
Pumangalawa siya sa qualifying ng floor exercise na may iskor na 14.766.
Tumapos naman siya sa sixth sa qualification sa vault makaraang umiskor ng 14.683.