ZERO VISIBILITY SA BATANGAS

Batangas

KABI-KABILANG pag­hihirap ang dinanas ng mga nakatira sa pa­ligid ng Taal Volcano.

Ayon sa mga residente, pahirapan ang kanilang paglikas matapos ang zero visibility bunsod ng pag-ulan ng abo.

Personal na nakita ng reporter ng PILIPINO Mirror ang naganap na pagsabog noong Lunes kung saan umabot sa isang kilometro o higit pa ang pagbubuga ng apoy, kasabay ang mahinang lindol at nagsasa­limbayang kidlat.

Agad idineklara ng Phivocs ang alert no. 3, na itinaas sa alert no. 4 dakong alas-6:00 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, maihahalintulad ito sa pagputok ng Mt. Pinatubo noong early 90s kung saan umabot hanggang mga karatig bansa ang ashfall.

Sa ngayon, umabot na umano sa Baguio ang mga abo na masasabing delikado lalo na sa mga taong may sakit na hika, kaya pinapayuhan ang lahat na magsuot ng face mask.

Sa ulat naman ng NDRRMC, zero visi­bility rin ang Tanauan, Taal, Agoncillo, Calaca, Lemery, Balite, Laurel at Escala sa Batangas; Tagaytay, Bacoor, Silang, at Dasmariñas sa Cavite.

Apektado rin ang Sra. Rosa, Bacoor, Binan sa Laguna; Maycauayan, San Jose Del Monte at Malolos sa Bulacan; Kamaynilaan (City of Manila, Makati, Quezon City, Caloocan, Para­ñaque, Pasig, Pasay, Marikina, San Juan at Taguig City).

Hanggang sa oras na isinusulat ang balitang ito ay patuloy ang mahihinang lindol, patunay na malapit na namang sumabog ang Taal Volcano. NENET L. VILLAFANIA

Comments are closed.