EXCITED na si Zoren Legaspi na makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor.
Ito raw kasi ang unang pagkakataon niya na maka-work ang tinaguriang People’s Treasure.
Ayon pa sa actor, nagpapasalamat siya sa ibinigay na pagkakataon sa kanya ng GMA-7 para makasama ang aktres kahit sa isang teleserye project.
“Feeling ko kasi, hindi kumpleto ang career ko as an actor kung hindi ko siya makakatrabaho. That’s why, I’m so thankful and blessed sa opportunity,” paliwanag niya.
Sina Zoren at Ate Guy ay magsasama sa “Bilangin Ang Bituin sa Langit”,ang TV remake ng obra ni Elwood Perez noong dekada 80 na may kaparehong titulo na pinagbidahan noon ng Superstar.
Makakasama sa soap na ito sina Mylene Dizon at Kyline Alcantara.
MARICEL SORIANO ‘DI MAKALIMUTAN SI PIOLO
SA loob ng ilang dekada, marami nang napatunayan ang Diamond Star na si Maricel Soriano bilang aktres. Mula sa pagiging magaling na komedyana, hinangaan din siya bilang dekalibre at award-winning dramatic actress.
Katunayan, idolo siya ng ibang kabataang artista pagdating sa pag-arte.
Pero, ayon sa durable actress, kung may maipapayo man siya sa mga kabataang artista ngayon na gustong magkaroon ng pangalan at magtagal sa larangan ng showbiz, ito ay ang maging propesyunal.
Dapat daw ay maging masunurin din ang mga ito sa kanilang direktor at huwag magpa-prima donna sa anumang tagumpay na nakakamit.
Isa sa ehemplong gustong tularan ni Maricel ng mga kabataang artista ay si Piolo Pascual na nakatrabaho niya noon sa pelikulang “Mila”.
Sey niya, bukod sa magaling daw ito ay laging handang dumarating sa set.
Nagtataka naman ang aktres kapag may nababalitaan daw siyang may mga baguhan o kahit na mga professional actors na takot siyang makaeksena.
Nilinaw niya na walang dapat ikatakot ang mga ito lalo pa’t hindi naman siya nangangagat.
Kung propesyunal daw ang isang tao at hindi siya pasaway, wala raw namang rason para masita siya ng kanyang mga katrabaho lalo na ng mga senior stars.
Speaking of Maricel, balik-horror siya sa pelikulang “The Heiress” kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang mambabarang.
Tampok din sa pelikula sina Janella Salvador, Sunshine Dizon, Jerome Ponce at Jane de Leon.
Ito ay idinirehe ni Frasco Mortiz na nagdirehe ng MMFF hit na “Pagpag” na pinagbidahan ng Kathniel.
Comments are closed.