1.9K PAMILYANG APEKTADO NG ULYSSES INAYUDAHAN NG DSWD

DSWD

BULACAN-NASA  1,900  na pamilya  mula sa bayan ng Baliwag, Sta.Maria at Guiguinto sa lalawigang ito ang inayudahan ng Department of Social Welfare and Development(DSWD).

Nabatid na sa kabuuang  bilang,   526 pamilya ang nawasak ang tahanan dulot ng  pananalasa ng bagyong Ulysses ang makatatanggap ng tig-P5K   habang ang  1,374 pamilya na bahagyang napinsala ay pagkakalooban ng tig -P3K.

Bukod sa foodpacks, dala  rin ni Senador Bong Go ang mga  Vitamin C, face mask, face shield  at mga Tablet na magagamit sa blended learning ng mga mag-aaral.

Habang nagpa-raffle naman ng mga bisekleta sa mga residente na  nauna nang nakatanggap ng tulong mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala ipinaalala ng senador na  may P3 hanggang P5 Milyon ang inilaang pondo sa  Malasakit Center sa bayan ng Sta.Maria kada buwang, kung saan nakatalaga  ang apat na sangay ng pamahalaan kabilang DOH, DSWD,PCSO at PhilHealth na ang target ay ang zero billing para sa mga pasyente. THONY ARCENAL

Comments are closed.