10 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY BUST

buy-bust

ARESTADO ang 10 drug personalities sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, naganap ang buy bust opearion bandang 3:40 ng madaling araw nang masakote ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo at P/Maj. Rengie Deimos ng PCP-4 sa  Barrio Sta. Rita North, Barangay 188, Tala, Caloocan City ang mga suspek na sina Cristopher Arcilla, 41, tambay, ng 34 Barrio Sta. Rita Barangay 188, Tala, Caloocan City; Arnold Obispo, 25, construction worker, ng Barrio Sta. Rita North, Barangay 188, Tala, Caloocan City; at Danilo Janohan Jr., 30, tambay, ng 946 Ilang-Ilang St., Barangay Malaria, Caloocan City.

Batay sa ulat, pinaiskor ng mga suspek ng isang sachet ng shabu kapalit ng P200 ang isang parak at agad silang dinamba at nakunan pa ng apat na sachet ng shabu at idiniretso sa presinto.

Dakong alas-6:20 ng umaga naman nang madakip sa Phase 1, Bagong Silang, Barangay 176, Caloocan City sina Vladimir Arcle, 22, mekaniko, ng Phase 9, Package 4, Blk 15, Lot 30, Bagong Silang, Barangay 176, Caloocan City; Jerome Lavita, 29,  sound system operator, ng Phase 9, Package 4, Blk 15, Bagong Silang, Barangay 176, Caloocan City; at Renren Delos Reyes, 27, tricycle driver, ng Phase 9, Package 4, Blk 15, Lot 31, Bagong Silang, Barangay 176, Caloocan City.

Nasakote ang tatlo habang nagsasagawa ng casing at surveillance laban kay Arcle na nasa drug watchlist ng barangay at makunan ang mga suspek ng tatlong selyadong sachet ng shabu at isang coin purse.

Samantala, alas-7:40 din ng umaga nang damputin sa 469 RV David St., 8th Ave., Barangay 59, Caloocan City sina Benito Coloma, 38, construction worker, ng 169 RV David St., 8th Ave., Barangay 59, Caloocan City; at Joseph Nicolas, alyas Diablo, 29, construction worker, ng RV David St., 8th Ave., Barangay 59, Caloocan City  nang bentahan ng isang sachet ng shabu kapalit ng P200 marked money ang isang pulis.

Dalawa pang sachet ng shabu ang nakumpiska kay Coloma at binitbit sila at ang mga nakuhang ebidensya sa himpilan ng pulisya.

Habang alas- 4:45 ng madaling araw nang madamba sa Dagat-dagatan Ave., corner Block 27, Barangay 35, Maypajo,  Caloocan City sina Raymond Jacaine, alyas Negro, 35, barker, ng Block 29, Lot 19 Sawata Area 1, Maypajo, Ba­rangay 35, Caloocan City; at John Paul Gelberto, alyas Utoy, 44, mekaniko, ng Bulwagan, Phase 1, Maypajo Barangay 35 matapos bentahan ng isang sachet ng shabu kapalit ng P200 marked money ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Bukod dito ay nakunan pa ng dalawa pang sachet ng shabu si Jacaine at agad silang binitbit sa presinto ni Gelberto kasama ang mga nakuhang ebidensiya. VICK TANES/ EVELYN GARCIA

Comments are closed.