PINAGMULTA ni PBA Commissioner Willie Marcial ang 10 players na naglaro kamakailan sa ‘ligang labas’ na mahigpit na ipinagbabawal ng liga.
Si Jio Jalalon ng Magnolia ang tumanggap ng pinakamabigat na parusa na P100,000 para sa kanyang second offense. Si Jalalon ay nauna nang pinagmulta at sinuspinde ng kanyang koponan.
Pinagmulta sina Rain or Shine’s Beau Belga at NLEX’s JR Quinahan, na kapwa kasama ni Jalalon sa fight-marred game sa Catmon, Cebu ng tig-P50,000 at karagdagang P20,000 dahil sa kanilang pagkakasangkot sa away.
Sina Belga at teammate Rey Nambatac ay nauna na ring pinarusahan ng ROS management.
Pinagmulta sina Nambatac, Jhonard Clarito (ROS), Vic Manuel (SMB), Allyn Bulanadi (SMB), Alec Stockton (Converge), Barkley Ebona (Converge) at Arwin Santos (NorthPort) ng tig-P50,000.