NASAKOTE ang 11 katao kabilang ang isang nene na inilipat na sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office sa magkahiwalay na operasyon ng mga pulis laban sa droga at ilegal na pagbebenta ng bala ng baril sa lungsod ng Navotas.
Batay sa report ng pulisya dakong alas-9:40 ng gabi noong Sabado nang masakote sa operasyong isinagawa sa M. Domingo St., Brgy. Tangos North, Navotas City sina Gieson Santos, 34, binata, mangingisda; Reynante Ereño, 40, binata, mangingisda; Victoria Dela Cruz, 56, may-asawa, tambay, mga residente ng nasabing barangay, habang na-rescue naman sa nasabing operasyon ang 11-anyos na neneng itinago sa pangalang “Inday.”
Apat na sachet ng shabu ang nasamsam sa mga suspek.
Samantala, alas-8:15 ng gabi noon ding Sabado nang damputin ng mga awtoridad ang mga tambay na sina Edwina Mortalla, alyas Taweng, 44; at Aiza Pepito, 22, kapwa residente ng Market 3, Fish port, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN), Navotas City sa operasyong isinagawa sa bahay ng mga dinakip.
Binentahan ng mga suspek ang isang pulis na nagpanggap na iiskor ng droga at nang magkaabutan na ng ilegal na droga ay agad silang dinamba at nakuhanan ng limang sachet ng shabu at P300 buy bust money.
Nauna rito, pasado alas-8 naman nang malambat sa nasabi ring lugar dahil sa pagbebenta ng bala ng baril at shabu sina Ruben Ramirez, 19, tricycle driver, ng Market 3 Fishport Complex, Brgy. NBBN, Navotas City;.Sherneslit Douglas, 28, tambay, ng 379 Lapu-lapu St, Brgy NBBN, Navotas City;. Shullee Jabalon, 40, tambay, ng Galicia Extn., Brgy. Bangkulasi, Navotas City; Nelson Cordova, 41, ng 393 Daisy St., Brgy. NBBN, Navotas City; Noli David, 21, ng 29 Espina St., Brgy NBBN, Navotas City; at Joel Canete, 34, pintor, ng Lot 26, Blk. 3, Brgy. 14, Caloocan City.
Nagsagawa ang awtoridad ng buy bust operation laban sa ilegal na pagbebenta ng bala ng baril sa Market 3, Barangay NBBN, at nadamba ang anim nang bentahan ang isang poseur buyer ng limang bala ng 12-gauge shotgun kapalit ng Php250.
Bukod dito ay nakuhanan din ang mga suspek ng 26 na sachet ng shabu na tinatayang nasa Php13,000 ang street value. EVELYN GARCIA
Comments are closed.