114 MENOR NA OFWs NASABAT SA LOOB NG 2 BUWAN

BUREAU OF IMMIGRATION-NAIA

NAALARMA ang mga taga-Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa paulit-ulit na ginagawa ng mga underaged Overseas contract workers (OFW) na gustong umalis palabas ng bansa gamit ang mga pekeng dokumento upang magtrabaho bilang mga domestics helper sa ibang bansa.

Ayon sa report na nakarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, mula kay BI OIC Deputy Commissioner and Port Operations Division (POD) Chief Marc Red Mariñas umaabot na sa 114 mga kababaihan na pawang mga menor na below 21 years old ang kanilang mga naaresto sa nasabing paliparan na nagkukunyaring mga nasa legal age.

Nadiskubre ng mga tauhan ni Mariñas na may hawak ang mga ito ng valid overseas employment contract, working visa at job contracts .

Naniniwala si Marinas na ang mga ito ay biktima ng sindikato na nag-o-operate sa NAIA.

Batay naman sa report ng BI-NAIA Travel Control and Enforcement Unit ang pinakahuli nilang ­apprehension ay noong Agosto 2  na patungong Riyadh, Saudi Arabia.

Agad naman itong na inilipat sa ­pangangalaga ng Inter-Agency council Against Trafficking ­(IACAT) para sa isasagawang imbestigasyon.        FROI MORALLOS

Comments are closed.