ISANG record number ng mga aplikante ang sasalang sa PBA Rookie Draft sa susunod na linggo.
Sa pagtatapos ng deadline ng application noong Linggo, may kabuuang 128 players ang pormal na napabilang sa listahan para sa Sept. 17 proceedings na magsisilbing unang official function ng liga para sa Season 48.
Kabilang sa mga nagsumite ng aplikasyon sa final week patungo sa Sept. 10 deadline ay sina Ricci Rivero, Schonny Winston, Zav Lucero, Brent Paraiso, Keith Datu, Brandon Bates, Luis Villegas, Ken Tuflin, Stephen Holt, Kim Aurin, Raphael Cu, Fran Yu, Henry Galinato, Dominick Fajardo, Kemark Carino, Sherwin Concepcion at James Kwekuteye.
Ang malaking bilang ng mga aplikante ay bagong PBA record, kung saan nahigitan nito ang naunang marka na 97 na naitala para sa Season 46 draft.
Maaari pang mabawasan ang final list depende sa resulta ng two-day Draft Combine na nakatakda sa Sept. 12 at 13 sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong.
Ang Terrafirma ang unang pipili sa draft day followed na susundan ng Blackwater.
Ang Rain or Shine ang kukuha sa susunod na dalawang picks, kasunod ang NorthPort Phoenix, NLEX, at Meralco.
Magkasunod na pipili ang Converge bilang nos. 9 at 10, kasunod ang NorthPort at Terrafirma.
-CLYDE MARIANO