MAY 1,360 slots ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga in school youth na gustong makapagtrabaho ngayong summer.
Bukas ang Government Internship Program para sa mga nagsipagtapos ng high school at college-level students na gustong magkaroon ng experience sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.
May alokasyon ang gobyerno na P10,565,400 para sa stipend ng mga matatanggap na aplikante.
Iba’t ibang trabaho ang ibibigay sa interns sa loob ng 30 araw na magsisimula sa Abril 15 at magtatapos sa May 29, 2019.
Prayoridad ng DSWD ang mga kabataang kabilang sa mahihirap na pamilya.
Makatatanggap sila ng 75% ng umiiral na wage rate sa rehiyon kung saan sila mag-a-apply.
Ipinabatid ng DSWD sa mga interesado na mag-apply sa DSWD Central Office sa Batasan Complex sa Quezon City o sa DSWD regional field offices. AIMEE ANOC
Comments are closed.