14 REHIYON BUMABA ANG ISINASAGAWANG SWAB TESTS

swab test

INIULAT kahapon ng Department of Health (DOH) na nakitaan nila ng pagbaba ng bilang ng mga isinasagawang COVID-19 swab tests o RT-PCR tests, ang may 14 na rehiyon sa bansa.

“We’ve observed that 14 regions had less number of RT-PCR tests done in the recent week versus the previous week,” ayon kay Health Under­secretary Maria Rosario Vergeire, sa isang press briefing nitong Lunes.

Batay sa datos na ipri­nisinta ni Vergeire,  ang bilang ng samples na nasuri sa naturang 14 na rehiyon maliban sa Regions 3, 4-B, at 5, ay nakitaan nila ng pagbaba.

Ang nakapagtala aniya ng pinakamalaking pagbaba ay ang National Capital Region (NCR), na mula sa 266,042 tests, ay bumaba ng 14.1% o 37,383 tests.

“This translated to the lower positive individuals from 48,229 to 35,603,” aniya.

Samantala, may anim aniyang local government units (LGUs) sa Metro Manila, na kinabibilangan ng Parañaque, Pasay, Caloocan, Pasig, Pateros at Mandaluyong, ang nag-ulat ng mas mababang bilang ng tests sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon umano sa Para­ñaque LGU, ang pagbaba ng testing capacity ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) ang dahilan ng pagbaba ng kanilang iniulat na tests habang ang Pasay LGU naman ay nagsabi na bumaba ang kanilang mga tests dahil sa paglipat nila sa paggamit ng antigen test.

Nag-ulat naman ang Caloocan, Pasig, Pateros at Mandaluyong ng gene­ral decrease sa case trend at ng close contacts na natukoy.

“Four local governments reported a general decrease in the case trend and, by extension, contacts detected: Caloocan, Pasig, Pateros and Mandaluyong,” aniya pa.

Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na ina-assess pa nila ang dahilan sa likod ng pagbaba ng tes­ting output.

“We are still asses­sing the reasons for this decline, and if this ref­lects a true decline in cases or is affected by other factors such as ongoing active case finding and contact tracing and the use of rapid antigen test to complement the RT-PCR testing,” ani Vergeire. ANA ROSARIO HERNANDEZ

10 thoughts on “14 REHIYON BUMABA ANG ISINASAGAWANG SWAB TESTS”

  1. 797094 848147I like what you guys are up also. Such intelligent work and reporting! Keep up the superb works guys Ive incorporated you guys to my blogroll. I feel itll improve the value of my internet site . 358966

  2. 433610 464357wonderful issues altogether, you simply gained a new reader. What could you recommend about your post which you created some days within the past? Any positive? 117667

  3. 802549 2457Ive been absent for a while, but now I remember why I used to love this internet site. Thank you, I will try and check back much more often. How regularly you update your site? 895101

Comments are closed.