PINAYAGAN na ng pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makalabas ng kani-kanilang tahanan ang mga may edad 15-taong gulang hanggang 65-taong gulang.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito’y tugon sa mga panawagang payagan nang makalabas ang mga menor-de-edad at senior citizen para makatulong sa muling pagsigla ng ekonomiya ng bansa.
Binibigyan naman ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan para i-adjust ang age limit para sa mga menor-de-edad depende na lamang sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) situation sa kani-kanilang lungsod.
Kasunod nito, isinama na rin ng IATF ang mga napauwing overseas Filipino workers (OFWs) at mga overseas Filipino na nakauwi na sa ka-nilang mga kaanak sa listahan ng authorized persons outside residence (APOR).
Comments are closed.