PINANGUNAHAN nina national junior record holder (13-under class) Jamesray Michael Ajido at World Junior Championship campaigner Amina Bungubung ang 15 batang swimmers na nakasikwat ng ‘provisionary status’ sa national team na isasabak sa 35th Southeast Asia Age Group Championship na nakatakda sa Agosto 24-26 sa Jakarta, Indonesia.
Parehong miyembro ng Quezon City Buccaneers Swim Club sa ilalim ni coach Sherwin Santiago, nalampasan nina Ajido at Bungubung ang qualifying time standard (QTS) sa kani-kanilang event sa pagtatapos ng National tryout Luzon qualifying na inorganisa ng World Aquatic-backed Philippine Swimming Inc (PSI) sa pamumuno ng presidente nito na si Miko Vargas at ni secretary- general at Batangas Rep. Eric Buhain.
Ang 14-anyos na si Ajido, kumabig ng dalawang gintong medalya noong nakaraang edisyon ng SEA Age sa Kuala Lumpur, Malaysia, ay hataw sa boys 14-15 200m individual medley at 100m butterfly sa tiyempong 2:14.33 at 57.46 segundo, ayon sa pagkakasunod. Sinira niya ang QTS na 2:14.83 at 58.43.
Inangkin din ng FINIS brand ambassador at may hawak ng mga pambansang rekord sa boys 13-under 50m butterfly (26.52), 100m fly (58.13), 50m backstroke (29.20) at 100mback (1:02.42) ang ginto sa 100m backstroke sa tiyempong 1:01.73 ngunit nabigong malampasan ang QTS (1:01.30).
Samantala, si Bungabung, 16, at miyembro ng 8-man PH team sa World tilt noong nakaraang taon sa Lima, Peru, ay nakakuha ng isa pang pagkakataon na mapabilang sa national team sa kanyang pangunguna sa girls 16-18 50m freestyle sa 27.58 na binasag ang QTS set sa 27.69 . Bahagi rin siya ng koponan sa edisyon ng Jakarta.
Nagningning din ang kanilang mga kasamahan sa QBSC na sina Mishka Sy at Jalil Taguinod sa event na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at Speedo kung saan nalampasan ng una ang QTS sa girls 16-18 200m fly (2:29.07) at 200m (2:29.86) sa tiyempong 2:24.36 at 2:29.54, ayon sa pagkakasunod, habang ang huli ay nagtagumpay sa boys 16-18 50m breast (29.88) na pinahusay ang QTS na 29.89.
Nakakuha rin ‘provisionary status’ sa squad habang hinihintay ang resulta ng Northern Luzon qualifying at Visayas tryouts na magkasabay na gaganapin sa July-21-23 sa Vigan, Ilocos Sur at Dumaguete; gayundin ang Mindanao leg sa Digos, Davao Del Sur sa Hulyo 22-23 sina Prince Dave Calma (boys 16-18 200m back, 2:13.73 at 100m back, 1:00.32); Catherine Cruz (girls 14-15 200m free 2:13.15);
-EDWIN ROLLON