PAGTATAG ng Philippine Identification System (PhilSys) ay makatutulong sa maraming Pilipino na makakuha ng mahahalagang serbisyo, katulad ng edukasyon, proteksiyon, health care, banking at finance.
Ito ang pahayag ng isa sa mga pangunahing may akda ng panukalang bumuo ng national identification system sa bansa na si Camiguin Representative Xavier Jesus D. Romualdo.
“The PhilSys is particularly important for vulnerable sectors of our population, like those who are marginalized and living in poverty and those living in remote areas. Once they have the means to prove their identity, people will be empowered to exercise their rights and privileges and access basic services,” pahayag ni Romualdo.
Ayon sa Identification for Development initiative ng World Bank, mahigit sa 16.3 milyong Pilipino ang walang katibayan ng pagkakakilanlan na pumipigil para makakuha ng financial services ng gobyerno.
Nakatakdang ratipikahan ng Kongreso sa susunod na linggo ang nasabing panukala.
Upang maalis ang hinala ng mga kritiko na malalabag ang karapatan at privacy ng mamamayan, sinabi ni Rep. Romualdo, na tinitiyak ng Kongreso na tanging basic personal information lamang ang ilalagay sa PhilSys at ito ay protektado at mananatiling confidential.
Ipinaliwanag nito na pangalan, kasarian, address, kapanganakan at lugar ng kapanganakan, blood type, at biometric data, katulad ng litrato at fingerprints, ang kailangan para maipasok sa PhilSys, at ang pagsisiwalat sa iba sa stored data at impormasyon, kahit ang law enforcement agencies at military, ay ipagbabawal at may katapat na parusa.
Sa reconciled version ng panukala ay pinapayagan ang pagsisiwalat ng impormasyon kung mismong ang taong may-ari na nakarehistro ang pumayag, sa mga kadahilanan katulad na lamang kung ito ay iutos ng korte.
Comments are closed.