NUEVA VIZCAYA – ISANG dalagita ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa umano’y hindi na na-kayanan ang patong-patong na problema at suliranin sa kanyang pamilya sa Barangay Darubbang nabanggit na lala-wigan.
Isang concerned citizen ang nagtungo sa himpilan ng Quezon Police Station kung saan isang dalagita ang kanilang nakita na nakabitin sa kanilang tahanan sa Barangay Darubba.
Sa pahayag ni P/Major Larry Pingkihan hepe ng Quezon Police Station na puno na marahil ng problema ang dalagita.
Hindi na pinangalan ang biktima dahil sa bukod sa nagkahiwalay na umano ang kanyang mga magulang ay lasinggero pa ang kanyang ama at walang pakialam sa kanilang pamilya.
Lumalabas pa sa imbestigasyon ng PNP Quezon Nueva Vizcaya, na palagi umanong binabanggit ng nagbigting dalagita sa kanyang kasintahan ang surilanin sa kanyang pamilya, na napag-alaman pa nila na tinangka na pala ng dalagita na magpakamatay subalit napigilan lamang ito. IRENE GONZALES
Comments are closed.