Standings W L
Creamline 2 0
KingWhale 1 0
PLDT 2 1
Cignal 1 1
Army 0 4
Laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. – PLDT vs KingWhale
SA KANILANG debut sa Premier Invitational Conference (PVL) ay winalls ng KingWhale Taipei ng Chinese Taipei ang Army-Black Mamba, 26-24, 25-18, 26-24, upang higit na maging kapana-panabik ang semifinals kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nalusutan ng mga bisita ang matikas na pakikihamok ng Lady Troopers sa first at third set upang kunin ang kanilang unang panalo sa semis na pinaglalabanan na lamang ng limang koponan.
Gumawa si setter Liao Yi-Jen ng 22 excellent sets habang impresibo rin si Brazilian opposite spiker Beatriz Flavio de Carvalho para sa KingWhale sa kinamadang 14 points.
Nagtala si Wang Yu-Wen ng 3 blocks para sa 10-point outing habang umiskor din si Chen Li-Jun ng 10 points.
“This is the first time we mixed our young and veteran players in a tournament,” sabi ni KingWhale coach Teng Yen-Min.
“We’re happy the PVL invited us. In our first game against Army, we felt good,” dagdag pa niya.
“This was also the first time that we played in a big gym because there’s nothing this in Taiwan. We are just excited to play more games in this tournament.”
Susunod na makakaharap ng Taiwanese club ang PLDT ngayong alas-4 ng hapon sa parehong Pasay venue.
Sa pagiging banta ng KingWhale para sa Invitational crown, ang best local team ang kakatawan sa Pilipinas sa AVC Cup for Women na nakatakda sa August 21-29.
Ang isa pang foreign team, ang Kobe Shinwa Women’s University ng Japan, ay umatras dahil sa COVID-19 issues sa bisperas ng pagdating sana nila sa bansa.
Tinapos ng Lady Troopers ang conference na walang panalo sa semifinals. Ang Army-Black Mamba, ang huling koponan na pumasok sa semis, ay natalo sa lahat ng kanilang apat na laro.
Nanguna si Jovelyn Gonzaga para sa Lady Troopers na may 8 points at 14 digs, habang nag-ambag si Michelle Morente ng 5 points.
Naitala ni Army playmaker Ivy Perez, na nag-toss ng pitong excellent sets, ang dalawa sa kanyang 5 points mula sa blocks.