IPINATUPAD ni Commissioner Jaime Morente ang suspension order laban sa 18 empleyado ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa extortion attempt sa Angeles, Pampanga nitong nakalipas na buwan.
Ito ay makaraang maghain ng reklamo ang labing lima (15) Korean national sa opisina ng Pangulo at sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa panghihingi ng pera ng mga tauhan ng Intelligence department ng Bureau of Immigration .
Ayon kay Morente ang “extortion “ ay labag sa kanilang sinumpaan o “ Oath of Office “kaya hindi ang mga ito makaliligtas sa imbestigasyon ng taga-Department of Justice.
Dagdag pa nito na bukod sa kasong kriminal na ihahain sa korte, kakaharapin pa ng mga suspek ang kasong administratibo sa kamay ng mga taga Board of Discipline, na siyang magrerekomenda sa DOJ sa ginawa nilang kasalanan.
Sinabi pa ni Morente na seryoso siya sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na walisin sa kanyang opisina ang mga corrupt at erring personnel. FROI MORALLOS
Comments are closed.