CAMP AGUINALDO – AABOT sa 18,085 pamilya o 72,802 katao ang apektado nang walang tigil na pag-ulan dulot ng bagyong Hanna sa Region 1, 3 at 4-B o Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (Mimaropa).
Ito ay batay sa huling monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa bilang na ito, 553 pamilya ang nanatili ngayon sa 24 evacuation centers.
Nabigyan na ang mga ito ng P1.6 milyon halaga ng mga food at non-food items na nanggaling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga local governmentt unit.
Samantala, batay sa monitoring ng NDRRMC, may 16 na bahay ang nasira, apat ay totally damaged at 14 ang partially damaged dahil sa hanging dulot ng bagyong Hanna. REA SARMIENTO
Comments are closed.