19 BAGONG KASO NG COVID-19 SA E. VISAYAS

Covid-19

CATBALOGAN CITY – LABINSIYAM ang bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Eastern Samar, ayon sa Department of Health – Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EV CHD) naitala ito sa nakalipas na 24 oras.

Sa 195 sample results na inilabas ng Eastern Visayas Regional COVID-19 Testing Center, 177 ang lumabas na negatibo habang 18 ang positibo sa nakakahawang sakit.

Sa resulta naman mula sa Divine Word Hospital Virology Laboratory, 62 ang negatibo at tatlo ang positibo sa pandemya kung saan dalawa rito ang repeat swab test.

Ang 19 na bagong kaso ng COVID-19 ay naitala sa mga sumusunod na lugar, Pastrana, Leyte; Baybay City; San Isidro, Northern Samar;Ormoc City; Calubian, Leyte.

Umabot na sa 72 ang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa Eastern Visayas hanggang June 10. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.