MINDANAO- NAMAHAGI ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang si Senador Robinhood “Robin” C. Padilla sa mga nasalanta ng baha na dulot ng Bagyong Paeng sa tatlong lugar sa lalawigang ito.
Magkasamang nagbigay ang staff ng DSWD at mga kinatawan ng Senate office ni Padilla ng tig-P5,000 sa 1,962 benepisyaryo sa Zamboanga City, Patikul (Sulu) at Bongao (Tawi-Tawi).
Kasama sa nabigyan ng tulong ang 948 na taga-Zamboanga City noong Nobyembre 15 (P4.74 milyon); 645 na taga-Patikul, Sulu noong Nobyembre 17 (P3.225 milyon); at 369 na taga-Bongao (Tawi-Tawi) noong Nobyembre 18 (P1.845 milyon).
Ang mga nag-abot ng tulong ay kinabibilangan nina Christine Joy Borbon, Mary Antonette Mendiola, at Rasul Domado.
Si Padilla na nag-relief operation din sa Zambales noong Nobyembre 15 kasama si Senador Bong Go ay nagpasalamat kay DSWD Secretary Erwin Tulfo sa pakikipag-ugnayan. VICKY CERVALES