1ST GARMENTS, LEATHER GOODS EXPO SA PINAS

Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo

IDARAOS sa bansa ang first Philippine Garment, Leather Goods Industries, and Fabrics Expo sa Agosto 23-26 sa SMX Convention Center sa Pasay City upang ipakita ang mga oportunidad sa sektor na ito sa domestic market.

Ayon kay Trade Undersecretary at Board of Investment Managing Director Ceferino Rodolfo, layunin ng expo na itampok ang kakayahan ng Philippine garments at wearable exporters na magprodyus ng mataas na kalidad ng produkto para sa global brands.

Ibibida rin sa expo ang local garments at footwear manufacturers na naghahatid ng serbisyo sa mahigit sa 100 million Filipino market.

Ang expo ay organisa ng Philippine Exhibits and Trade Corp. at Hong Kong-based CP Exhibition Ltd.

Bukod sa local players sa garments, leather goods, at fabrics sector, lalahok din sa expo ang global manufacturers mula sa China, Hong Kong, India, Pakistan, Singapore, South Korea, Taiwan, at Vietnam.

“The expo also aims to link the Philippine manufacturers to global players in the industry in a bid to improve the value chain of this sector in the domestic market,” wika ni Rodolfo.

Dagdag pa niya, napapanahon ang expo dahil ang pamahalaan ay naglalatag ng mga programa para mapalakas ang manufacturing sector .

Aniya, ang garments industry ay isa sa  top two job-generating industries sa bansa, kasama ang food processing.  PNA

Comments are closed.