1ST SUMMER METRO MANILA FILMFEST POSTPONED

SMMFF

MAAGA nang naglabas ng announcement ang pamunuan ng Metro Manila Film showbiz eyeFestival (MMFF) sa postponement ng kauna-unahang 1st Summer Metro Manila Film Festival.  Ito ang post nila sa kanilang Facebook wall.

“In the light of the worldwide COVID-19 pandemic and health emergency the Summer Metro Manila Film Festival is hereby postponed.

We’ll keep you posted for more updates in the coming days.

Thank you!”

Sa announcement ni President Rodrigo Duterte last Thursday evening, March 12, ang community quarantine  sa Metro Manila ay magsisimula ngayong araw,  March 15, 2020 at 12:01 AM at matatapos hanggang sa April 14, 2020 at 12:00 midnight.

Ang first Summer Metro Manila Film Festival ay magsisi­mula sa April 4, 2020, sa pamamagitan ng Parade of Stars na ang host city ay ang Quezon City, sa pangunguna ni Quezon City Mayor Joy Belmonte. Ang screening naman ng 8 official entries ay magsisimula dapat sa April 11, hanggang sa April 21, 2020.

ARNELL IGNACIO BALIK-VIVA           

BALIK-Viva Entertainment at balik-DOLE (Department of Labor and Employment) si Arnell Ignacio.  Last Thursday, pumirma na muli ng kontrata si Arnell, a five-year contract under Viva Entertainment, sa harap ni Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Artist Agency (VVA).

“It’s nice to be back,” sabi ni Arnell.  “Hindi ko na alam kung ilang taon na simula nang huli akong gumawa ng project sa Viva, nasa Scout Albano, Quezon City pa ang office nila noon.  Marami na akong ginawa, pero babalik at babalik ka pa rin pala kung saan ka nagsimula.”

Ano ang mga projects na gagawin niya sa VVA?

“Ipinababahala ko na sa Viva kung ano ang ibibigay nila sa akin.  May nagsasabi na bumalik akong mag-host ng game show, tulad noon, na nag-host ako ng “Go, Bingo!” pero marami nang gano­ong show, iba naman sana.  Sabi ni Boss Vic (del Rosario), kinausap na niya ang GMA Network para sa isang project.  Pero sinabi ko na rin na gusto ko namang umarte, gusto kong gumawa ng movie at special request kong makasama si Roderick Paulate, ang sarap kasi niyang makasama sa isang project, makabatuhan sa mga eksena, matagal ko nang wish iyon.  Gusto ko ring gumanap na isang kontrabida.”

Pero baka hindi rin daw matanggihan ni Arnell ang bumalik magtrabaho sa gobyerno.  Kung sakali, saang department siya muling hahawak ng puwesto?

“Sa OWWA pa rin ng DOLE ko gusto, iyong dati kong hinawakan noon. Gusto ko pa rin na may interaction ako sa ating mga OFWs (Overseas Filipino Workers), ang minahal kong trabaho noon, kahit medyo mahirap at kung minsan, walang tulog, tulad noong may mga ibinalik tayong mga OFWs, kailangan mong salubungin sa airport at i-welcome back mo sila.  Alam ko kasi ang mga problema nila, hindi lamang iyong ma-solve ang mga problema nila, but iyong kailangan nila ang mga makakausap.  At tayong nasa showbiz, iyan ang  forte natin, diretso tayong makipag-usap sa mga tao, hindi tulad ng mga politiko, no offense meant, na paikot-ikot makipag-usap sa kanila. I love that work! Kaya mas maganda kung iyon ang position na muli kong babalikan.”

Comments are closed.