2-0 SA BLAZERS

blazers vs thunder

NAGTUWANG sina CJ McCollum at Damian Lillard para sa 62 points nang kumarera ang Portland Trail Blazers sa 114-94 laban sa bumibisitang Oklahoma City Thunder noong Martes ng gabi.

Nagbuhos si McCollum ng 33 points at nagdagdag si Lillard ng 29 upang kunin ng Trail Blazers ang 2-0 kalamangan sa first-round playoff series.  Nag-ambag si Maurice Harkless ng 14 points at 9 rebounds para sa Portland, na umabante ng hanggang 22 points sa fourth quarter.

Nakatakda ang Game 3 sa Biyernes ng gabi sa Oklahoma City.

Tumipa si Paul George ng 27 points at 8 eight rebounds para sa Thunder, na lumamang ng hanggang 10 points sa first half. Nakalikom si Russell Westbrook ng 14 points, 11 assists at 9 boards para sa OKC, su­balit 5 of 20 lamang mula sa field.

Nagwagi ang Portland sa 3-point line, kung saan naipasok nito ang 13 sa 32 attempts. Ang Thunder ay 5 of 28 at nakapagbuslo lamang ng 10 sa 61 attempts sa series.

Samantala, naitala ni Jamal Murray ang 21 sa kanyang 24 points sa fourth quarter, at binura ng host Denver Nuggets ang 19-point deficit upang igupo ang San Antonio Spurs, 114-105, sa Game 2 ng kanilang  Western Conference first-round playoff series noong Martes ng gabi.

Kumamada si Nikola Jokic ng 21 points, 13 rebounds at 8 assists, umiskor si  Gary Harris ng 23 points at gumawa si Paul Millsap ng 20 para sa  Denver. Naitabla ng Nuggets ang serye sa 1-1 at tinapos ang seven-game playoff winning streak ng San Antonio sa Denver.

Tumirada si DeMar DeRozan ng playoff career-high 31 points at nagdagdag si LaMarcus Aldridge ng 24 points para sa  Spurs.

Nahirapang umiskor ang Nuggets sa third quarter subalit nakuha ang kanilang rhythm sa fourth quarter sa pagsalpak ng siyam sa kanilang unang 11 field goals sa final period upang kunin ang kalamangan. Abante ang Spurs sa 95-90 nang maisalpak ni Millsap ang isang three-point play.

Umabante ang Spurs ng hanggang 10 sa intermission at natapyas ito ng Denver sa pito sa kaagahan ng third quarter.  Bumanat ang Spurs ng 17-5 run, tampok ang three-point play ni Rudy Gay, upang umangat sa 78-59, may 4:28 ang na­lalabi sa third quarter.

Sa East, humataw si Kawhi Leonard ng 37 points sa 15-for-22 shooting mula sa  field, at ginapi ng Toronto Raptors ang bumibisitang  Orlando Magic, 111-82, noong Martes ng gabi upang itabla ang kanilang serye sa 1-1.

Nagdagdag si Pascal Siakam  ng 19 points at 10 rebounds para sa Raptors, na hindi kailanman naghabol.  Gumawa si Kyle Lowry ng 22 points at 7 assists para sa Toronto, habang nag-ambag si Serge Ibaka ng 13 points at 8 rebounds mula sa  bench.

Nagposte si Aaron Gordon ng 20 points para sa  Magic, na na-split ang  regular-season series sa Raptors sa 2-2. Nagdagdag si Terrence Ross ng 15 points para sa  Orlando habang umiskor si Evan Fournier ng 10 points.

Lilipat ang best-of-se­ven series sa Orlando para sa susunod na dalawang laro sa Biyernes at Linggo.

Comments are closed.