SA KABILA ng dominating performance sa Game 1 ng NBA Finals ay walang balak ang Los Angeles Lakers na magkampante papasok sa Game 2 sa Biyernes (US time).
“We’ve got so much more work to do,” wika ni LeBron James, na kumamada ng 25 points, 13 rebounds at 9 assists sa 116-98 panalo ng Lakers kontra Miami Heat noong Miyerkoles (US time) sa Orlando.
“The job is not done, and we’re not satisfied with winning one game. It’s that simple.”
Nagbuhos si Anthony Davis ng 34 points sa 11-of-21 shooting sa unang NBA Finals ng kanyang eight-year career. Umiskor si Kentavious Cald-well-Pope ng 13 points, nag-ambag si Danny Green ng 11 at gumawa si Alex Caruso ng 10 para sa Los Angeles, na lumamang ng hanggang 32 points.
Ang injuries ang pangunahing alalahanin ng Miami. Walang katiyakan kung makapaglalaro sina guard Goran Dragic (plantar fascia tear in left foot) at center Bam Adebayo (neck strain) sa Game 2. Ang dalawa ay kapwa napilitang lumabas sa Game 1 noong Miyerkoles.
“You have to go through your Plan A, Plan B, Plan C,” pahayag ni Heat coach Erik Spoelstra, ayon sa Miami Herald. “We love getting to work with this group. … It’s just looking for solutions and trying to get to a better version of our game against a quality opponent.”
Si Dragic ay hindi naglaro sa second half, kung saan tumapos siya na may 6 points sa 3-of-8 shooting sa loob ng 15 minuto. Hindi na rin nakabalik si Adebayo makaraang lumabas sa kalagitnaan ng third quarter. Nagtala siya ng 8 points sa 2-of-8 shooting sa 21 minutong paglalaro.
Sa kanilang pagkawala, partikular si Adebayo sa loob, nakontrol ng Lakers ang glass at na-outrebound ang Heat, 54-36. Mas maraming beses din na tumira ang Los Angeles sa line, kung saan naipasok nito ang 25 sa 27 attempts laban sa 11 of 14 para sa Miami. Si Davis ay 10-for-10.
“The Lakers set the tenor, the force, the physicality for the majority of the game, and they just took control and we weren’t able to get it back,” wika ni Spoelstra.
Tumipa si Jimmy Butler ng 23 points habang nagdagdag si Kendrick Nunn ng 18 points sa 8-of-11 shooting mula sa bench para sa Heat.
Tumapos si Tyler Herro na may 14 points ngunit anim lamang ang naipasok sa 18 shots at dalawa sa walong 8 3-pointers.
Nagdagdag si Jae Crowder ng12 points subalit hindi nakaiskor si rookie guard Duncan Robinson, na may average na 12.5 points sa Eastern Conference finals laban sa Boston Celtics, sa loob ng 27 minuto.
“We’ve just got to be tougher,” ani Butler. “We’ve got to put up more of a fight. I don’t think that we did that and then it doesn’t help whenever we don’t make shots. It’s been that way all year long whenever we start to miss a couple of shots, we don’t do what we’re supposed to on the other end.”
Comments are closed.