BALIK sa porma ang Boston Celtics.
Naitala ni Jaylen Brown ang 17 sa kanyang 27 points sa first quarter at tumapos si Jayson Tatum na may 26 points upang tulungan ang host Celtics na maitakas ang 116-100 panalo kontra Golden State Warriors sa Game 3 ng NBA Finals nitong Miyerkoles.
Kinuha ng Celtics ang 2-1 lead sa best-of-seven series at sisikaping dumikit sa korona sa Game 4 na nakatakda sa Biyernes (Sabado sa Manila) sa Boston.
“My message to the team was, ‘We’ve done this after losses. It’s time to do it after wins,’” pahayag ni Celtics coach Ime Udoka makaraang umangat ang kanyang tropa sa 7-0 matapos matalo sa playoffs.
Nagbigay si Tatum ng 9 assists at nagdagdag si Brown ng 5 at kumalawit ng 9 rebounds. Kumana si Marcus Smart ng 24 points matapos na gumawa lamang ng dalawa sa 107-88 pagkatalo ng Celtics sa Game 2 noong Linggo.
“That left a bad taste in our mouth, coming out of Game 2 hearing and knowing that we got beat up,” wika ni Smart sa NBA TV. “For us, it’s like anybody else. If you’re in a fight with a bully, you gotta keep going and you gotta stand up.
“We got the Golden State Warriors who have done this before multiple times who understand what it takes to be here. They want to see what you got. They punched us in our mouths in Game 2, and we responded.”
Kumubra si Al Horford ng 11 points, 8 rebounds at 6 sassists para sa Boston, na tangan ang 47-31 bentahe sa kabuuang rebounds— kabilang ang 15-6 sa offensive glass.
“We feel like they’ve been killing us on the glass the whole series. We wanted to just put an emphasis on that,” ani Robert Williams III, na tumapos na may 10 rebounds, 4 blocks at 8 apoints.
Nalusutani ni Golden State star Stephen Curry ang maagang foul trouble upang magsalpak ng anim na 3-pointers at tumapos na may 31 points. Nanatili si Curry sa laro, may 4:07 ang nalalabi sa fourth quarter sa kabila na mistulang na- injure ang kanyang kaliwang binti sa pakikipag-agawan sa loose ball.
Sinabi ni Warriors coach Steve Kerr na inilabas si Curry sa harap ng 14-point deficit ng kanyang koponan, may 2:19 ang nalalabi.
“We weren’t going to catch up,” ani Kerr. “We’ll know more (on his status) tomorrow.”
Tumipa si Klay Thompson ng 25 points at nagdagdag si Andrew Wiggins ng 18 para sa Warriors, na sumandig sa kanilang ikatlong sunod na malakas na third quarter sa series para tapyasin ang kanilang deficit sa apat na puntos papasok sa fourth.
Tumapos si Draymond Green na may 2 points lamang at 4 rebounds.
Ipinasok ni Tatum ang dalawang foul shots, isang long jumper at dalawang driving layups upang simulan ang fourth quarter at binitbit ang Boston sa 107-96 lead, may 5:53 sa orasan.
Isinalpak ni Smart ang isang corner 3-pointer at gumawa ng bank shot upang bigyan ang Celtics ng 114-100 kalamangan, may 2:19 ang nalalabi.