($2.668-B noong Enero) OFW CASH REMITTANCES TUMAAS

BSP

TUMAAAS ang cash remittances ng overseas Filipinos na ipinadaan sa mga bangko ng 2.5 percent noong Enero, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng central bank, ang cash remittances para sa unang buwan ng taon ay pumalo sa $2.668 billion mula $2.603 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

“The expansion in cash remittances was due to the increase in receipts from land-based and sea-based workers,” paliwanag ng BSP.

Ang cash remittances mula sa United States, Japan at Singapore ay nakapag-ambag nang malaki sa paglobo ng remittances noong Enero 2022.

Pagdating sa country sources, ang US ang nagtala ng pinakamalaking ambag sa overall remittances sa 41.2 percent para sa buwan, kasunod ang Singapore, Japan, Saudi Arabia, United Kingdom, United Arad Emirates, Canada, Taiwan, Qatar at  Malaysia.

Ang pinagsama-samang remittances mula sa  top 10 countries ay bumubuo sa 79.6 percent ng total cash remittances sa naturang panahon.

Samantala, tumaas din ang personal remittances ng 2.5 percent sa $2.966 billion  noong Enero mula $2.895 sa kahalintulad na panahon noong 2021.

“The increase in personal remittances in January was due to remittances sent by land-based workers with work contracts of one year or more, which grew by 2.9% to $2.283 billion from $2.219 billion in the same month last year, and sea- and land-based workers with work contracts of less than one year, which increased by 1.2% to $617 million from $609 million a year ago,” ayon sa  BSP.