PORMAL nang sinampahan ng kasong pagpatay ng Baguio City Prosecutor’s Office ang 3 Philippine Military Academy officer at dalawang military cadets matapos na makitaan ng probable cause para ipagharap sila ng kaso sa korte kaugnay sa umano’y hazing na ikinasawi ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio noong nakalipas na taon.
Sa 66-pahinang resolusyon, kasong paglabag sa Section 14 (a) ng Republic Act 11053 o Anti-Hazing Law ang isinampa laban kina PMA 3rd Class Cadets Shalimar Imperial at Felix Lumbag Jr. dahil sa umano’y partisipasyon sa pagsasagawa ng hazing na nauwi sa pagkamatay ni Dormitorio.
Maliban dito, kinasuhan din ang dalawa ng murder kasama sina Capt. Flor Apple Apostol, Maj. Maria Ofelia Beloy, at Lt. Colonel Ceasar Candelaria mula sa PMA Station Hospital (PMASH) kaugnay pa rin sa hazing death ni Dormitorio noong September 18, 2019.
Ang 20-anyos na si Dormitorio ay namatay dahil sa mga pambubugbog sa kanya kung saan dalawang beses itong na-confine sa PMA Station Hospital at nakitaan ang kanyang katawan ng mga sintomas ng hazing.
Samantala, sinampahan muna ng kasong hazing at less serious physical injuries si PMA Cadet Julius Tadena, dahil sa paglabag sa Section 14 (b) ng Anti-Hazing Law nang mapasama sa hazing activity ,habang si 2nd Class Cadet Christian Zacarias ay mahaharap sa pag-uusig sa kasong slight physical injuries.
Ibinasura naman ng piskalya ang reklamong nakahain kina 1st Class Cadet Rey Sanopao, 3rd Class Cadet Rey David John Volante, 3rd Class Cadet John Vincent Manalo, Maj. Rex Bolo at Capt. Jeffrey Batistiana dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Sina Bolo at Batistiana ay kapwa tactical officers sa nasabing premier military school.
Na-dismiss naman ang kaso laban kina 1st Class Cadet Rey Sanopao, 3rd Class Cadet Rey David John Volante, 3rd Class Cadet John Vincent Manalo, Maj. Rex Bolo at Capt. Jeffrey Batistiana dahil sa kakulangan ng probable cause.
Nadismis din ng piskalya ang kaso laban kina PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista at Brig. Gen. Bartolome Vicente Bacarro dahil sa kawalang ng probable cause matapos na makaladkad ang kanilang pangalan dahil sa serye ng hazing sa loob ng akademya.
Sa hiwalay na opinyon ni Assistant City Prosecutor Philip Randolf Kiatong, ang pagkamatay ni Dormitorio ay cumulative result ng intentional acts nina Imperial Jr. at Lumbag Jr. at ng gross negligence nina Apostol, Beloy at Candelaria.
Gayunman, ibinasura ng prosekusyon ang mga reklamong isinampa laban kina Cadet Rey Sanopao, Cadet Rey David John Volante, Cadet John Vincent Manalo, sa mga tactical officers ng PMA na sina Major Rex Bolo at Captain Jeffrey Batistiana at sa mga dating opisyal ng akademya na sina Lt. Gen. Ronnie Evangelista at Brig. Gen. Bartolome Vicente Bacarro dahil sa kawalan ng probable cause.
Ayon naman kay Atty. Jose Adrian Bonifacio, abogado ng pamilyang Dormitorio, natanggap na ng pamilya ang kopya ng resolusyon at ngayon ay tinitimbang ang kanilang mga option.
Dinagdag niya na ito ang kauna-unahang kaso na naisampa sa ilalim ng bagong Anti-Hazing Law. VERLIN RUIZ
Comments are closed.