MALAKING revelation para sa mga fanatics ni Kim Chiu ang ginawang career move para sa movie na “One Great Love”. Kakaiba, dahilan sa mas matured na ang kanyang karakter and to top it all, may daring and love scenes na rin siyang ginawa. Kung dati may nagawa na siyang love scene pero pa-tweetum pa rin ang dating, sa pelikula niyang kasali sa darating na Metro Manila Film Festival ay talagang all out na si Kim, wala ng kiyeme at pag-iinarte sa love scene, hindi lang sa isang guy kundi sa dalawa pa niyang leading men na sina Dennis Trillo at JC de Vera.
Super level up talaga si Kim sa pagiging matured sa kanyang role sa movie. Ani naman ng Kapamilya actress, 28 years old na rin naman siya at sa palagay niya ay it’s about time na lumabas na rin siya sa comfort zone na nakasanayan niyang role sa movie o teleserye. At mas lalong naging palaban si Kim dahilan na rin sa kanyang director na si direk Eric Quizon.
Noong ini-offer daw kay Kim ang movie at nalaman niyang si direk Eric ang kanyang magiging director ay hindi na nagdalawang-isip pa si Kim kahit pa nabasa niya rin sa script na pinadala sa kanya na may daring love scene siyang gagawin. Dagdag na say pa rin ni Kim na nawala rin ang kanyang kaba nang kunan ang unang love scene niya dahilan sa bago pa man gumulong ang kamera ay nagkaroon na sila ng collaboration, sina Kim, Dennis, JC at direk Eric. Nagkaroon sila ng kanya-kanyang suggestion para maging madali na magawa ang maselang eksena.
MIKA DELA CRUZ ANG BABAENG MINSANG NAWALA SA SARILI
MOVE on Ms. Dina Bonnevie ang original na ‘babaeng nawawala sa sarili,’ ngayon ay inangkin na rin ito ni Mika dela Cruz, younger sister ni Angelika dela Cruz at isang Kapuso young actress. Sa pagsapit ng kanyang kaarawan nitong Disyembre 9 ay isang madamdaming post ang kanyang nilagay sa kanyang social media account.
Say ni Mika sa pagpasok pa lang daw ng taon 2018 ay nawawala na raw sa sarili si Mika, kung kaya pinokus niya raw sa kanyang mindset na maging positibo ang pananaw sa buhay. Nawala raw kasi kay Mika that time ang self-esteem. Sobrang damaged daw ito at pulos negative vibes lang ang pumapasok sa kanyang isip.
Naroon din daw na pati pagmamahal sa sarili ay nawala na rin. At nang ma-realize niya na tila naliligaw na siya ng landas sa kanyang mga ginagawa ay nakukuha naman siya ng lakas ng loob mula sa Itaas at sa kanyang pamilya. At nang kalagitnaan ng taon ay halos positibo na ang naging pananaw niya, nagbalik ang tiwala sa sarili at natutong magmahal muli.
Sa katunayan pa nga nagkaroon pa siya ng boypren at first bf pa niya na si Nash Aguas. Maging ang kanyang showbiz career ay nagkaroon na rin ng positibong epekto, bida na siya ngayon kasama si Barbie Forteza sa bagong teleseryeng ginagawa, ang “Kara Mia”. At ang lahat ng mga positibong bagay na nangyari sa buhay niya ngayon ay tinuturing ni Mika na greatest birthday gift na natanggap niya.
Comments are closed.