DALAWANG hinihinalang drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief Senior Supt. Jessie Tamayao ang mga naaresto na sina Charlie Carillo alyas “Badoy”, 40, ng Blk 28 Lot 58, Phase 2 Area 1 Brgy. NBBS Navotas City at kanyang kapitbahay na si Joel Velamide, 43.
Sa ulat, alas-11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa kahabaan ng Dalagang Bukid, Brgy, Longos, Malabon City.
Matapos iabot ng mga suspek ang isang plastic ng shabu sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng marked money ay agad inaresto ang mga ito ng mga operatiba.
Narekober sa mga suspek ang walong transparent plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu at buy bust money.
Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa piskalya ng Malabon City. VICK TANES
Comments are closed.