2 CONFERENCE TARGET NG PBA SA 46TH SEASON

Willie Marcial

HANGAD ng Philippine Basketball Association na makapagdaos ng dalawang conference sa 46th season nito.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ang buong season ay target na tumagal ng 10 buwan — apat ay para sa Philippine Cup at anim para sa Governors’ Cup.

Sinabi ni Marcial na target din ng liga na magpatupad ng closed-circuit format, kung saan ang mga koponan ay diretsong pupunta sa venues mula sa kanilang mga tahanan at vice versa.

Hihintayin ng liga ang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa naturang format.

“It can be Araneta (Coliseum), or in Cuneta (Astrodome). We are requesting for us to play in NCR (National Capital Region) and we hope the task force will hear us because it will be hard for us if we will play outside Metro Manila,” wika ni Marcial.

Magugunitang idinaos ng PBA ang coronavirus-delayed Philippine Cup nito noong nakaraang taon sa isang bubble setup sa Clark, Pampanga.

Ang bagong season ay magsisimula sa Abril 11, sa pamamagitan ng Philippine Cup kung saan idedepensa ng Barangay Ginebra ang korona.

Matapos ang All-Filipino Conference ay ang Governors’ Cup. Ang import-laden conference ay magsisilbing ikalawa at huli para sa taon, na tatampukan ng double-round robin format na may height limit na 6-foot-5 inches para sa imports. CLYDE MARIANO

3 thoughts on “2 CONFERENCE TARGET NG PBA SA 46TH SEASON”

  1. 187983 341216Delighted for you to discovered this internet site write-up, My group is shopping far more often than not regarding this. This can be at this moment certainly what I are already seeking and I own book-marked this specific web site online far too, Ill often be keep returning soon enough to look at on your exclusive weblog post. 657232

Comments are closed.