2 HULI SA BUY BUST SA CALOOCAN

CALOOCAN CITY – ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug pusher matapos magbenta ng shabu sa pulis na nagsagawa ng buy bust operation.

Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit PSI Rengie Deimos ang mga suspek na sina Ricky Cortez, 38, ng 189 P. Burgos St. Brgy. 63; at Joshua Canuto, 23, ng 786 Daang Bakal, Brgy. 59.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Aian-Jay Gamayon, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSI Deimos ang buy bust operation kontra sa mga suspek sa Daang Bakal St.

Matapos iabot ng mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu sa undercover police na poseur-buyer kapalit ng P200 marked money ay agad inaresto ang mga ito.

Narekober sa mga suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa piskalya ng Caloocan City. VICK TANES

Comments are closed.