BENGUET – DALAWA pang kaso ng COVID-19 patients ang iniulat kahapon sa La Trinidad ng nasabing lalawigan.
Dahil dito, umabot na sa pitong pasyente ang positibo na kung saan ang ika-anim ay 54-anyos na lalaki na miyembro ng Barangay Peace Action (BPAT) mula sa Barangay Dalupirip sa bayan ng Itogon at isa pang 30-anyos na lalaki na mula naman sa La Trinidad subalit nakatalaga naman ito sa bayan ng Buguias.
Samantala, patuloy naman ang massive contact tracing sa mga nakahalubili ng dalawang bagong COVID-19 patients. MHAR BASCO
Comments are closed.