SARANGANI – NI-LOCKDOWN na ang dalawang simbahang Katolika makaraang magpositibo sa COVID-19 ang dalawang pari sa dalawang barangay sa bayan ng Alabel ng lalawigang ito.
Ayon kay Alabel Mayor Vic Paul Salarda, nagsasagawa na ng contact tracing sa mga parokyano na dumalo sa misa sa Catholic Parish Church sa Barangay Poblacion at Catholic monastery sa Barangay Kawas.
Kaya’t pansamantalang ipinasara ng health authorities ang dalawang nabanggit na simbahan matapos na magpositibo sa COVID-19 ang dalawang pari na kasalukuyang naka-admit sa Sarangani Provincial Hospital.
Napag-alaman na ang dalawang pari ay may history of exposure sa isang pari sa General Santos City na unang nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito, ipinag-utos ng alkalde ang pagsuspinde sa church-related activities ng dalawang nasabing simbahan para sa decontamination operations na pangungunahan ng BFP.
Base sa datos ng Alabel-LGU, sa kasalukuyan ay may 5 aktibong kaso ng COVID-19 habang isa naman ang naitalang nasawi sa nasabing bayan. MHAR BASCO
Comments are closed.