BAGUIO CITY — KINUMPIRMA ni Apayao Governor Eleanor Bulut-Begtang na may bagong pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang lalawigan nitong Biyernes.
Nabatid na ang dalawang pasyente ay mula sa mga bayan ng Pudtol at Santa Marcela kung saan kaagad na isinailalim sa lockdown ang kani-kanilang border upang ma-monitor ang mga residente na pumapasok at lumalabas.
Ipinag-utos na rin ni Begtang sa contact tracing team na masusing isailalim sa monitor ang mga kaanak ng dalawang pasyente na pansamantalang hindi pinangalanan.
Magugunita na ang kauna unahang pasyenteng nagpositibo sa COVID 19 ay na-discharged na mula sa Cagayan District Hospital noong Hunyo 3 matapos magnegatibo sa ikalawang swab test ang 28-anyos ang buntis na health worker.
Napag-alaman din na ang nasabing health worker ay residente sa bayan Conner kung saan isinailalim na rin sa dalawang linggong lockdown na magtatapos sa susunod na Linggo. MHAR BASCO
Comments are closed.