CALOOCAN CITY -ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug pusher kabilang ang isang dalaga sa buy bust operation ng mga pulis.
Kinilala ang mga naaresto na sina Ma. Richelle Ann Piquero, 24, ng Brgy. Acacia, Malabon City at Joel Nicodemos, 38, ng Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City.
Sa imbestigasyon ni PO1 Jezell Delos Santos, dakong alas-10:50 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Northern Police District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PCI Antonio Naag kontra sa mga suspek sa kahabaan ng Velasco St., Brgy. 7, Caloocan City.
Matapos iabot ng mga suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga sa P500 kay PO1 Romer Esteban na nagpanggap na buyer kasama si PO2 Anthony Marquez ay agad lumusob ang iba pang operatiba at inaresto si Piquero at Nicodemos. EVELYN GARCIA
Comments are closed.