20 OFWs PINIGILANG ‘MAKALIPAD’ SA PEKENG PAPELES

BI-Commissioner-Jaime-Morente

PASAY CITY – PINIGILAN ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na makaalis ang 20 overseas  Filipino workers (OFWs) gamit ang mga pekeng dokumento, at pinaniniwalaang mga naging biktima ng human trafficking syndicate na nag-o-operate sa mga paliparan.

Ayon sa report na nakarating kay BI Commissioner Jaime Morente, galing kay BI OIC Associate Commissioner at BI Port Operation Division Chief Marc Red Marinas, nasakote ang mga ito ng immigration officers noong June 8 sa NAIA Terminal 3 habang pasakay sa Emirates Airways flight papuntang Dubai.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng immigration officers sinabi ng mga biktima na ipinadala sila ng isang Malaysian-based company sa Sao Tome and Principe, isang maliit na isla sakop ng Western Coast ng Central Africa.

Nadiskubre ng mga taga-immigration na peke ang kanilang iprinisintang invitation letter sa immigration counter, sapagkat hindi maipaliwanag ng mga biktima ang kanilang layunin sa pagpunta sa nasabing lugar at wala ring maipakita na proper work documentation.

Kaugnay nito, nagpalabas ng kautusan si Morente sa kanyang mga tauhan sa NAIA na ma­ging mapanuri, at huwag  payagan ang mga OFW na makalabas sa bansa ng walang permit mula sa ­Philippine Overseas and Employment Administration (POEA). FROI MORALLOS

Comments are closed.