MAHIGIT 200 mga pasaway ang nahuli dahil sa paglabag sa ipinatupad na 48-oras na “hard lockdown” sa District 1 ng Tondo, Maynila simula kahapon alas-5 ng umaga noong Linggo para bigyang daan ng isasagawang mass testing.
Tinuturing ng awtoridad na naging matagumpay ang ikinasang hard lockdown sa Distrct 1 ng Tondo na may mahigit kalahating milyon ang residente.
Isinailalim ang Tondo I sa hard lockdown ni Mayor Isko Moreno dahil isa ito sa may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod at dahil na rin sa rami ng enhanced community quarantine violators nitong mga nakalipas na araw.
Nasa 109 na ang nagpositibo sa novel coronavirus infection sa lugar sa rapid testing ng lungsod na kailangan pang makumpirma gamit ang real-time polymerase chain reaction (RT-PCR) test.
Pinag aaralan pa ni Isko Moreno kung isusunod niya ang District 2 o Tondo II na ilalagay din sa hard lockdown gaya ng ipinatupad sa Tondo 1 at Sampaloc Disrict. VERLIN RUIZ