2021 ASIA CUP IPINAGPALIBAN

gilas

PORMAL na ipinagpaliban sa Hulyo 2022 ang 2021 FIBA Asia Cup, na orihinal na nakatakda sa Agosto sa Jakarta, Indonesia.

Sa isang liham sa mga miyembro ng national federations, sinabi ni Hagop Khaijirian, FIBA executive director sa Asia, na napilitan ang governing body na iurong sa susunod na taon ang torneo dahil sa iba’t ibang salik tulad ng travel restrictions, health and safety ng mga kalahok, fan access, at layuning magdaos ng dekalidad na torneo.

“The FIBA Asia Cup 2021 will be played as planned in Jakarta, Indonesia, but is rescheduled to July 2022, right after the window of the FIBA Basketball World Cup Asia Qualifiers,” nakasaad sa liham.

Ang Gilas Pilipinas ay umalis na kahapon para sa King Abdullah Cup, na magsisilbi sanang major preparation nila para sa Asia Cup.

Nakatakda ang torneo sa Hulyo  25-­Agosto 3.

4 thoughts on “2021 ASIA CUP IPINAGPALIBAN”

Comments are closed.