INIHIRIT ni Deputy Majority Leader at Pampanga Representative Juan Miguel Arroyo sa Commission on Elections (Comelec) na ikonsidera ang pagpapaliban sa 2022 election.
Sa pagdinig ng Kamara sa budget ng COMELEC sa susunod na taon, iginiit ni Arroyo na tiyak aniya ang kontaminasyon o hawaan ng corona virus 2019 (COVID-19) sa araw ng eleksiyon.
Dagdag ni Arroyo, tiyak din naman na marami ang hindi magpaparehistro at hindi makaboboto sa mismong araw ng halalan dahil sa takot na mahawaan ng COVID-19, kahit gaano pa ito paghandaan ng COMELEC.
Gayunman, binigyang diin ni COMELEC Chairman Sheriff Abas na hindi nila maaaring ipagpaliban ang halalan dahil base sa constitutional mandate nila na isagawa ito.
Sinabi ni Abas, mabigat na usapin ang pagpapaliban sa eleksiyon at wala rin aniya sa posisyon ang COMELEC ang naturang hakbang bagkus ay nasa dalawang kapulungan ng Kongreso. DWUZ882
Comments are closed.