22 OFWs NASADLAK SA KAHIRAPAN, TINULUNGAN NG DENMARK

PHILIPPINE-DENMARK

PASAY CITY – NAGPASALAMAT ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Denmark authorities na nagsalba sa 22 overseas Filipino workers (OFWs) na nasadlak sa kahirapan sa nasabing bansa.

Ang mga Pinoy ay pawang mga truck driver na sinagip ng Danish police makaraang salakayin ang kanilang kampo sa bayan ng Padborg noong Martes ng umaga.

Sinabi naman ng DFA na ang Philippine Embassy sa Norway ang siyang may hurisdiksyon sa Denmark, at ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa Danish authorities upang tulungan ang mga OFW na naghihirap doon.

Batay sa DFA, nagtungo na si Ambassador Batoon-Garcia sa Denmark kasama ang kaniyang team upang siyasatin ang kalagayan ng mga driver na nasa hikahos na pamumuhay roon.

Tiniyak din umano ni Batoon-Garcia na maayos ang trato sa mga Filipino sa Denmark.

Inatasan naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Geneva-based labor attaché na magtungo sa Copenhagen, ang kapital ng Denmark, upang imbestigahan ang sitwasyon ng mga Pinoy driver.  EUNICE C.

 

Comments are closed.