$232-M NET ‘HOT MONEY’ OUTFLOW

HOT MONEY

NAKAPAGTALA ang foreign portfolio investments ng net outflows na $232 million noong Setyembre, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos na ipinalabas ng BSP, ang total hot money inflow na $1.3 billion ay na-offset ng outflow na $1.5 billion noong nakaraang buwan.

Ang foreign portfolio investments ay tinatawag ding ‘hot money’ dahil sa kaluwagan ng pagpasok at paglabas ng pondo sa merkado.

Gayunman, ang net outflow noong Setyembre ay mas mababa sa $392 million na naitala noong Agosto.

Ayon sa central bank, ang paglabas ng pondo ay dahil sa trade tensions sa pagitan ng US at ng China, pag-atake sa oil facilities ng Saudi Aramco, desisyon ng Federal Reserve na bawasan ang interest rates, desisyon ng BSP na tap­yasan ang interest rates at reserve requirement ratio ng mga bangko at impeachment inquiry laban kay US President Donald Trump.

May 80.2%  ng investments noong nakaraang buwan ay sa Philippine Stock Exchange-listed securities, partikular sa property companies, holding firms, banks, food, beverage and tobacco companies, at transportation firms.

Ang nalalabing 19.8%  ay napunta sa peso government securities.

Ayon pa sa BSP, ang United Kingdom, United States, Singapore, Malaysia, at Luxembourg ang top five investor countries, na may combined share na 72.3%  ng kabuuan.

Comments are closed.