$24-M BENTA NG PH FIRMS SA DUBAI EXPO

TINAPOS ng Philippine food companies na lumahok sa Gulfood 2022 sa Dubai, United Arab Emirates ang four-day expo na may initial sales na nagkakahalagang  USD23.6 million, o tinatayang P1.2 billion.

Ayon sa  Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), inaasahang lalaki pa ang halaga dahil ang local food firms ay nagkaroon ng business-to-business matching activities sa Gulfood 2022.

Ito na ang ika-17 paglahok ng bansa sa Gulfood at ang pinakamalaking delegasyon sa kasalukuyan.

Nasa 48  Filipino food firms ang naging bahagi ng delegasyon, kung saan siyam sa mga ito ay ‘physically present’ sa four-day expo at 39 ang nagbenta ng kanilang mga produkto online.

“The Philippines is a great sourcing destination for food products because of its diverse agricultural landscapes and rich gastronomy. Especially with this pandemic, the demand for healthy and halal-certified food products is high, and the country is poised to be a leader in this category,” sabi ni CITEM executive director Pauline Suaco-Juan.

Ang Gulfood ay isa sa pinakamalaking food and hospitality industry expositions sa mundo na nilalahukan ng mga negosyo na nais palakasin ang kanilang presensiya sa Middle East at  Africa.

“Our promotion of Philippine food to UAE and other countries does not end with our participation in Gulfood. We are continuously promoting our export products 24/7, anytime, anywhere through IFEXConnect.com, our B2B (business-to-business) platform for food exporters, and FOODPhilippines.com, our leads generation and promotion platform for Filipino food,” ani Suaco-Juan.

Aniya, ang nasabing websites ay nagbibigay-daan para mapalawak ng  Filipino enterprises ang kanilang naaabot.

“Buyers and food enthusiasts who want to know more about Philippine food are welcome to check out our platforms,” dagdag pa niya. PNA