250 MIYEMBRO NG MNLF HINARANG NG AFP

Cirilito Sobejana

HINARANG ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang hakbang ng Moro National Liberation Front (MNLF) members na bumiyahe ang may 250 miyembro nito patu­ngong Buluan sa Maguindanao.

Ayon kay Western Mindanao Command (WESMINCOM) Commander Lt.Gen. Cirilito Sobejana, hindi nakatutulong sa peace and order lalo na ngayong mataas ang banta sa seguridad partikular ang mga insidente ng bombing kaya hindi dapat i-tolerate ang mga ganitong hakbang.

Sa pahayag pa ni Sobejana na nakaaalarma at isang “unnecessary show of force” ang ginawang ito ng MNLF.

Paliwanag pa nito, dapat may koordinasyon ang MNLF leadership sa awtoridad bago sila bumiyahe at lumabas ng kanilang kampo o komunidad.

Matatandaang naharang sa isang military checkpoint ang mga MNLF member sa pamumuno ni Gaimaludin Gulam, MNLF chief boarder command.

Dito ay narekober ng awtoridad  ang 37 unlicensed na highpowered firearms na kinumpiska bukod pa sa low-powered firearms na handguns at shotgun.

Iginiit ni Sobejana, na hindi na nila ibabalik sa MNLF ang mga nakumpiskang mga armas.

Comments are closed.