MATAGUMPAY na nailipat sa Iwahig Prison & Penal Farm sa Palawan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 250 preso mula sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.
Ayon kay BuCor Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, naging ligtas ang paglilipat sa mga preso at wala namang nagtangkang manlaban para tumakas.
Alas-6:52 ng gabi noong Lunes nang mailipat ang mga preso sa Iwahig.
Ang paglilipat ng preso ay upang mabawasan ang mga nakakulong sa mga piitan sa Metro Manila.
“This is part of the ongoing effort of the BuCor), to decongest the NBP in Muntinlupa City which is heavily congested and lacking in facilities for ideal security and effective reformation program implementation” ayon kay Bato.
Una nang nailipat ng BuCor ang 500 inmates sa Sablayan Prison & Penal Farm na ibiniyahe by batch na 100, na nakumpleto noong June 29, 2018.
“It was a very successful transfer of the medium security category inmates that can boost the work and livelihood program of BuCor in Sablayan SPPF aside from its reformation program and security endeavor,” ayon pa sa dating PNP chief. EUNICE C.
Comments are closed.