CAMP AGUINALDO- AABOT sa 254,765 infrastructures ang bahagyang nasira makaraan ang pagtama ng Bagyong Tisoy.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.
Ang maga damaged structure ay nasa Regions I, III, Calabarzon, Mimaropa, V, VIII, CAR, at Caraga.
Sa mga nasira, 55,874 kabahayan at isang health facility ang tuluyang nagiba, 710 schools at 20 health facilities ang bahagyang nawasak.
Nasa 117 roads at mga tulay ang naapektuhan ng bagyo habang 22 pa ang hindi madaanan habang 196 areas ang binaha.
Sa kabuuan, nasa P2 billion ang nasira ng bagyo sa crops, fisheries, livestock, at agricultural infrastructure sa mga nabanggit na rehiyon.
Nasa 12 katao rin ang nasawi habang 54 ang nasugatan, mahigit isang milyon katao ang apektado ng kalamidad habang 90,582 sa mga ito ang napilitang sumilong sa 592 evacuation centers at ang 15,659 katao ay napilitang makitira sa mga kaanak na hindi naapektuhan ng bagyo. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.