26 REBEL RETURNEES BINIGYAN NG CASH AID

CASH AID

MT. PROVINCE – BINIGYAN ng financial aid ang may 26 New People’s Army (NPA) rebels mula sa pamahalaan sa Bontoc ng lalawigang ito noong nakalipas na Linggo.

Sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP), tumanggap ng tig-P20K ang mga sumukong rebelde mula sa  programang Sustainable Livelihood ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTFELCAC).

Layon ng financial aid na ibinigay sa mga rebel returnee ay upang makatulong sa pagpasok sa sinasabing entrepreneurial world kung saan pinangunahan nina DSWD Undersecretary Rene Glenn Paje, MT. Province Governor Bonifacio Lacwasan, at Brig. Gen. Henry Doyaeon ng 503rd Infantry Brigade ng Phil. Army ang pamamahagi nito.

Sa pahayag ni Cordillera Police Director Brig. Gen. Rwin Pagkalinawan, simula noong Enero ay umaabot na sa 100 communist guerillas, part- time re-bels, sympathizers at supporters ang inabandona  ang underground rebel movement sa Cordillera dahil na rin sa patuloy na operation ng pulisya at militar.

Base sa tala ng pulisya, umabot lamang sa 69 NPA rebels ang sumuko noong 2018 habang 72 rebelde naman ang sumuko noong 2019 kung saan mas tumataas ang bilang ng rebel returnees ngayong taon. MHAR BASCO

Comments are closed.